๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Kumpiyansa ang Indian embassy na mas magiging maganda pa ang pamumuhunan sa Pilipinas sa mga susunod pang mga taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa selebrasyon ng 74th Republic Day ng India, sinabi ni Indian Ambasador to the Philippines Ambassador Shambhu S. Kumaran, na isa ang Pilipinas sa pinangalagaan na bansa dahil sa maayos na pakikitungo nito sa kanilang mga mamamayan.
Dagdag pa ni Kumaran na marami nang napag-usapan na bilateral cooperation ang dalawang bansa tulad ng secutiry cooperation, economic cooperation sa usapin sa sector ng agrikultura at information technology.
Dagdag pa ng naturang ambasador na masaya ang Indian business community sa Pilipinas dahil sa maayos at magandang pakikitungo ng mga Pilipino sa kanilang lahi. | ulat ni AJ Ignacio See less